NYAWC Multilingual Hotline
 
NYAWC Home About NYAWC Get Help Get Information Get Involved NYAWC Events search
 
Home > Get Help > Safety Plan > Language
Multilingual Hotline
Safety Plan
What to Expect
Internet Safety
For Friends & Family
Additional Resources
Contact NYAWC
 

Success Stories

"Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Donec tincidunt lectus at elit. Aliquam erat volutpat. Etiam commodo. Mauris ornare, nisl eu dapibus iaculis, nisi libero scelerisque diam, et tristique."

Donate
Safety Plan Get Help

Panglilingkod

Lahat ng mga Panglilingkod ay Libre at Lihim
Tawag na Libre- 1-888-888-7702 / 212-732-5230
Ang linia ng telepono ay bukas buong araw at gabi. Ang mga taga pagpayo ay sasagot sa inyong wika o ingles para sa kalupitan.

  • Paglilingkod para sa biktima ng pampamilyang kalupitan at pinagsamantalahang kapurian
    • Ang mga tagpapayo ay pakapagsasalita ng ibat-ibang o inyong wika.
    • Sentro na matutuluyan
    • Pagpayo at pamamagitan sa inyong panganib
    • Tagapagtanggol at kasama
    • Umaalalay na grupo at mga gawain
    • Konsulta ng mga impormasyon
  • Paglilingkod para sa mga batang naabuso at naka saksi ng kalupitan
    • Pagpayo
    • Umaalalay na grupo at mga espesyal na pagdiriwang
    • Tagapagturong programa
    • Tuloy parar sa escuelo, tagaalaga ng bata, korte, at kalusugan na serbisyo.
  • Paaralang komunidad
    • Mga Workshop para sa group na komunidad, propesyonal sa kalusugan, pulis, tagapagalaga ng bata, eskuelahan, at mga iba pang propesyonal.

Safety Plan

Kung ikaw ay nasa pangangalaga ngayon ng mapang-abusong tao o hindi, mabuti na malaman mo ang “SAFETY PLAN” upang maiwasan ang anumang bagay na makasasakit o makasasama sa iyo.
  • Tumawag sa 911 kung ikaw ay nasa panganib o dili kaya nasa sitwasyon na kung saan alam mo na kinakailangan mo ng saklolo ng ibang tao.
  • Makipagsundo sa iyong kapitbahay ukol sa pagkakaroon ng isang “signal” na makatatawag-pansin sa pulisya.
  • Kung ikaw ay may mga anak at ang mga ito ay nasa hustong gulang na, mabuti na makipagkasundo din sa mga ito ukol sa kahalagahan ng isang “signal.” Ang “signal” na napagkasunduan ang magsisilbing panawag-pansin upang humingi ng saklolo sa kapitbahay o sa pulisya.
  • Pakatandaan ang numero ng NYAWC 24-hour multi-lingual toll-free hotline na 1-888-888-7702.
  • Makabubuti rin na isaulo mo ang telephone number at lokasyon ng lokal na pulisya.
  • Magsantabi ng sapat na pera. Kakailanganin mo ito sa panahon na hindi mo aakalain. Ang perang naisantabi ay magagamit mo sa pantawag, pagkain, transportasyon, at iba pa.
  • Magkaroon ng “spare care at house key.”
  • Marapating ilagay sa isang taguan ang mga sumusunod: passports, green cards, Social Security cards, birth certificates, marriage certificates, children’s immunization records, driver’s license, car registration, bank accounts, order of protection, custody papers, documentation of abuse (photos of injuries, medical records), at iba pang mga mahahalagang dokumento.
  • Kung maaari, alamin mo ang mga impormasyon ukol sa iyong “abuser” gaya ng mga sumusunod: Social Security number, date and place of birth, at iba pa. Kakailanganin mo ang mga ito.
  • Kung may naitatago kang kopya ng “order of protection,” mabuti na magkaroon ka ng isang kopya na maidadala mo kahit saan, kahit kailan.
  • Makatutulong na magkaroon ng isang bag saan ka man paroroon. Lulan ng bag na ito ang mga mahahalagang bagay na kakailanganin mo at ng iyong mga anak.
  • Kung mayroon kang sanggol, huwag kalilimutan na magbaon ng mga diapers at mga formula/gatas.
  • Kung ikaw ay aalis at may nakatatandang anak, subukang magdala ng bagay na malapit (“attached to”) sa bata tulad ng paborito nitong manyika.
  • Kung may pagkakataon, idokumento ang mga pang-aabuso upang magsilbing ebidensya. Kumuha ng mga litrato, magkaroon ng kopya ng medical records at isulat and bawat insidenteng naganap.
  • Huwag mag-atubili na tumawag sa mga NYAWC counselors. Ang mga counselors ay makapagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon. Makasisiguro na ang mga ito ay handang makinig at tumulong sa abot nilang makakaya.